Suriin Sa bahaging ito, mas mapapalalim ang iyong pang-unawa sa kahalagahan ng pagtupad sa pangako o pinagkasunduan na maaaring maging bunga ng isang ugnayan na may tiwala sa isa't isa. Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan dahil ang taong responsable ay ginagawa ang kanyang sinasabi o binibitawang pangako. Hangarin ng bawat isa sa atin ang makasalamuha ang mga taong "may isang salita" o may pananagutan sa kasunduan. Sa madaling sabi, hangad nating makasama ang mga taong tumutupad sa pangako o pinagkasunduan. Ito ay dahil alam natin na ang pagtatagal at ikagaganda ng bawat ugnayan sa pagitan ng mga tao ay nakasalalay sa tiwalang ipinagkaloob ng bawat isa sa kaniyang kasama. Sa kabilang dako, bawat isa sa atin ay umiiwas na magkaroon ng pagdududa sa katapatan ng pakikitungo ng ibang tao sa atin dahil ang isang ugnayan na walang tiwala sa isa't isa ay tiyak na hindi magtatagumpay sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa kapwa. Palalimin ang iyong pang-unawa sa binasang konsepto sa itaas sa pamamagitan ng pagsagot sa sumususnod na katanungan:

1. Tinutupad mo ba ang mga ipinangangako mo? Bakit?

2. Masasabi mo ba na "ako ay may isang salita"? Bakit?

3. Mapanghahawakan kaya ng mga tao ang iyong sinasabi? Bakit?

4. Sa iyong palagay, paano ipinakikita ang pagkamapanagutan sa pagtupad ng pangako?​


Suriin Sa Bahaging Ito Mas Mapapalalim Ang Iyong Pangunawa Sa Kahalagahan Ng Pagtupad Sa Pangako O Pinagkasunduan Na Maaaring Maging Bunga Ng Isang Ugnayan Na M class=