(R) Bilang kasapi ng organisasyong Philippine Historical Society, ikaw ay inatasang lumikha ng isang infographics (P) na magpapakita ng daloy at ugnayan ng kwento ng Paglikha sa kasalukuyan nating kasaysayan at kalagayan. Sa iyong gagawing infographics, (G) kailangan mong maipakita ang mga makabuluhang bahagi ng pag-unlad ng kasaysayan ng tao dito sa Asya at sa Pilipinas sa kwento ng Paglikha o story of God’s Creation. (S) Ang mga makabuluhang bahagi ng kasaysayang ito ay mga may katuturang karanasan na para sa iyo at sa kapwa mo kabataan (A) ay magsisilbing gabay at mabuting halimbawa para sa inyo upang maging mas mabuting tao para sa mas mabuting pakikipag-ugnayan sa inyong kapwa at mas maayos na pamumuhay. Ang gagawing infographics ay maglalaman ng mga sumusunod:

a. Kwento ng Paglikha (Creation Theory);

b. Mga makabuluhang kwento ng pag-unlad ng tao sa Asya at sa Pilipinas; at

c. Mga makabuluhang bahagi ng kasaysayan na magsisilbing gabay mo para sa mas mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa at mas maunlad na pamumuhay. Ang pamantayan sa pagsusuri ng gagawin mong infographics ay nilalaman, organisasyon ng nilalaman, at pagkamalikhain (S).