Bilugan ang titik ng tamang salawikain para sa sitwasyon. 1. Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito sa una ninyong pagkikita ay talag ito. Huwag kang padadala sa matatamis na salita o mabuting pakita kaagad. a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. b. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso. c. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat. d. Saan mang gubat ay may ahas. 2. Ang batang laki sa layaw ay lalaking suwail, walang galang at walang pagpapahalaga sa kapwa niya. a. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat. b. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din. c. Anak na hindi paluhain, ina ang patatangisin. d. Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo'y pahirin muna. 3. "Nay, gusto ko na pong bumalik sa inyo. Hirap na hirap na po ako sa buhay may-asawa." a. Akala ni Kapaho: ang pag-aasawa'y biro; kanin bagang isusubo't iluluwa kung mapaso. b. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. c. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso. d. Saan mang gubat ay may ahas. 4. Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at hindi na niya gagawin ang hindi maganda. a. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din. b. Tulak ng kabig ng dibdib. c. Saan mang gubat ay may ahas. d. Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.ang batang laki sa layaw laki laki ng suwail walang galang at walang pagpapahalaga sa kapwa ​