Bisita Hindi ko malilimutan ang araw na ito, ang ikalawang linggo matapos ang pagbubukas ng klase. Nasa ikaanim na baitang ako nang magkaroon ako ng di-matatawarang pagkakataon na makasama at makausap ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Suwerteng maituturing, sabi nga ng nakararami. Ang mismong Kalihim ang bumisita sa aming paaralan, bilang bahagi ng kaniyang paglilibot sa buong Pilipinas upang kumustahin ang kalagayan ng mga publikong paaralan, sa pagbubukas ng bagong panuruang taon. Tuwang-tuwa kami sa kaniyang pagdating sapagkat sinadya niyang kausapin ang mga mag-aaral tulad ko, upang malaman ang aming kalagayan. Lahat ay masayang nagbahagi ng kani-kaniyang saloobin kaugnay sa mga bagay-bagay sa paaralan. Walang sawa siyang nakipagkuwentuhan sa amin. ilan words ang meron dito ?