Activity 5: Ikaw ay isang mananaliksik. Nasa yugto ka ngayon ng pagbabasa ng iba't ibang aklat at dyornal na bubuo sa iyong kaugnay na mga pag-aaral at literatura (kabanata 2). Bubuo ka ng abstrak ng iba't ibang pag-aaral upang makalap ang pinakamahahalagang impormasyon na gagamitin mong batayan ng iyong saliksik. Pumili ng isang artikulo sa alinman sa mga internasyonal at nasyonal na dyornal sa bansa (bisitahin ang http://www.philjol.info/philjol/ at pumili ng isang artikulo mula sa isang dyornal; hangga't maaari, iwasang tingnan ang gawa nang abstrak). Basahin itong mabuti. Gawan ito ng abstrak na hindi lalampas sa kalahating pahina, double-spaced. Tiyaking lalamanin ng abstrak ang mga bahaging naaayon sa larangang kinabibilangan ng pag-aaral. Tatayain ang awtput ayon sa pagiging komprehensibo ng nilalaman, husto pagkakabuo ng talata, at kawastuhang panggramatika. Isulat ang mga kasagutan sa ibang papel.​