I-Witness Sa isang eskwelahan sa Metro Manila na Sauyo High School sa Novaliches Quezon City ay may isang silid na akalain mo nasa pre-school ang paraan ng pagtuturo ng mga guro dahil ang mga mag-aaral dito ay nasa lebel ng Baitang 1 ngunit ang kanilang edad ay akma sa hayskul. Sa bawat guro na nagtuturo sa naturang silid, ang pagsisimula ng klase ay basic na pagtuturo. Isa sa mga estudyante na kasama sa silid-aralan ay si Louie Cayusa, isa sa nakapanayam ni Kara David. Si Cayusa ay hirap sa pagsusulat, pagbibilang at pagbabasa. Si Louie ay isang batang mangangalakal nagpapatuloy ng kaniyang pag-aaral. Nagsusumikap siya na matutong magbasa sa kabila ng kahirapan. Gumawa ng paraan ang Sauyo High School upang matutukan ang kanilang mga mag- aaral na hindi marunong magsulat at magbasa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga mag-aaral sa iisang silid. Pamagat Nilalaman: Suliranin Pangyayari 1: Pangyayari 2: Pangyayari 3: Mesahe/Kaisipan:​