A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago, kaya hindi katakatakang ang mga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba't ibang uri ng damong-dagat. (2) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, ipinakita niya ang pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para makatulong sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3) Ayon sa kaniya, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagaman iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal.​