7 PE Ang striking o fielding games ay laro na tinitira ang bola ng paa o bat. Ito ay ginagawa sa isang malawak at patag na lugar. Ang mga striking o fielding games ay isa sa mga larong maaaring isagawa bilang larong panlibangan batay sa Philippine Physical Activity Pyramid Kickball Ang Kickball ay isang larong Pinoy na hango sa larong Baseball at Softball. Ang kaibahan nito ay walang hawak na bat ang mga manlalarong nasa Home base at ang bolang gamit ay mas malaki kaysa sa baseball at softball. Hindi ito ihahagis kundi igugulong papunta sa manlalarong nasa home base na ang layunin ay sipain ito nang malakas at malayo. Ang layunin ng tagasipa ay makapunta sa mga base ng hindi natataya at maka-home run, tulad din ng sa baseball at softball. Ang larong Kickball ay mainam upang mapaunlad ang pangkalusugang sangkap tulad ng pagtatag ng puso at baga (cardio-vascular endurance) at kakayahang sangkap na puwersa (power), pagiging maliksi (agility) at bilis (speed). Isa sa mga laro na nasa ikalawang antas (level) ng Physical Activity Pyramid ang larong Kickball. Ito ay maaaring isagawa ng 3-5 beses sa isang linggo. Ipinakikita sa Physical Activity Pyramid ang iba't ibang rekomendadong gawaing pisikal na makatutulong upang mapaunlad ang kakayahan ng katawan na magampanan ang pang-araw-araw na gawain nang walang kapaguran. Sa larong Kickball itinuturo ang pakikiisa, determinasyon at pagkakaroon ng sariling disiplina. Nais ng larong ito na mapasulong ang mga kasanayang pagsipa, pagtakbo, pagpasa, pagsalo, pagpapagulong at paghagis. Sa larong Kickball itinuturo ang pakikiisa, determinasyon at pagkakaroon ng sariling disiplina. Nais ng larong ito na mapasulong ang mga kasanayang pagsipa, pagtakbo, pagpasa, pagsalo, pagpapagulong at paghagis Magbigay ng 5 limang kasanayan na napauunlad ng larong kickball. 1.​