Gawain 4-A Panuto: 1. Makipag-ugnayan sa guro at kamag-aral upang makapagsagawa ng isang survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan. 2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan, o pang-edukasyon. Maaaring may iba pang suliraning makita sa proseso ng pagsasagawa nito. 3. Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o pamayanan kung ano ang kanilang nakikitang suliranin sa kanilang paligid. . Mahalagang isama ang mga namumuno sa baranggay o pamayanan sa isasagawang survey. 5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos, gumawa ng pangkalahatang ulat sa naging resulta ng survey. Pumili ng tatlo sa mga nakalap at iantas ang mga ito batay sa kahalagahan. Pumili ng tatlong pangunahing suliranin. lulat sa klase ang kalalabasan ng survey gamit ang graph na mayroong maikling pagsusuri at pagpapaliwanag.​