Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Ang sumusunod ay kasalukuyan at naging hanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa mga hanapbuhay ang luminang ng pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa mga dayuhan? A. Pagsasaka C. Paghahabi D. Pakikipagkalakalan B. Pangingisda 2. Ang sumusunod ay mga kagamitang panghanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa kagamitang ito ang naging bunga ng pagkamalikhain at ginamit sa paglalakbay ng mga sinaunang Pilipino? A. Sibat B. Bangka C. Pana D. Salakab 3. Ang mga sinaunang mangingisda ay gumamit ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay. Alin sa sumusunod ang kagamitang hindi nila ginamit? A. Itak B. Lambat C. Bingwit D. Salakab 27 PIVOT 4A CALABARZON​