Dapat mong tandaan ang sumusunod na paraan sa pagsasalaysay muli ng isang tekstong napakinggan. Pakinggan ang orihinal na teksto at unawain ito. Sa pakikinig, talasan ang pandinig at ituon ang buong atensyon sa nagsasalita. Ang pagsagot sa mga tanong pagkatapos mapakinggan ang teksto ay nagsisilbing gabay upang makuha ang kabuoang detalye nito. Ibalangkas ang mga sagot ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa tekstong napakinggan. Isulat nang pasalaysay ang nabuong balangkas gamit ang sariling pananalita Isalaysay muli ang teksto.