GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Gamitin sa sariling pangungusap Gawin sa iyong kuwaderno. nagliliyab pagmasid GAWAIN 4: Pag-unawa sa akda Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. 1. Ibigay ang paksa ng sanaysay pagmasdan mahirap 2. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila tinawag na mga "bilanggo" ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot. 3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggo ang "katotohanan ng mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay. Bigyang- kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalis sa yungib at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang nais ipakahulugan ng pangyayaring ito? b. 4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib. 5. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng kahon. a Nakakadena ang mga binti at leeg kaya't di sila makagalaw. d. wastong pag-iisip mahirati intelektuwal mahumaling e Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi. Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay, kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon. 6. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng "katotohanan" at "edukasyon" sa buhay ng sangkatauhan? Ipaliwanag. 7. Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa kaniyang sanaysay tungkol sa "katotohanan" at "edukasyon?" Pangatuwiranan ang iyong sagot. 8. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng sanaysay? Patunayan. 9. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng bansang Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda? 36