May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay
lumapit sa ama at hiningi ang kanyang mana.
Kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa. Ilang araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan.
Inubos niya ang lahat ng ibinigay sa kaniya ng ama.
Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang
mamasukan sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy.
Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang
ibinibigay sa kanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga
katulong nito sa kanilang sariling pataniman.
Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga
katulong ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain.
Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong lang. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng
kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan.Tinawag nito ang
kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang
kasuotan, bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang
magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak.
Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at
ang pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa
mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang
kaniyang ama sa pagbalik ng kaniyang anak.
Nagalit ang panganay na anak at ayaw niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang.Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang alipin subalit ni minsan ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na
kambing para magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. PEro noang dumating ang kaniyang kapatid na nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay binigyan pa ng pagsalubong.
Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng
kasaganaang tinatamasa niya ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay
nawala at bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit.
Sagutin ang tanong
1. Sino sa anak ang maypuso at mabait ,Bakit ?
2. sino ang alibughang anak ano ano ang kanyang ginawang kamalian?
3. Bakit Ang naglustay na anak ang kanyang binigyan ng baka at marangyang handa ?