Kailangan mong tandaan ang sumusunod upang maging mabunga
ang iyong pagsagot sa mga tanong.
Sa pagbabasa, pakikinig o panonood ng kahit anong uri ng kuwento,
mahalaga ang masusing pang-unawa, umpisa sa simula hanggang wakas.
Laging tandaan ang pamantayan tuwing ginagawa ito.
Mga dapat tandaan sa pagsagot sa mga tanong sa binasa:
a. Basahing may pag-unawa ang akda
b. Tandaan ang mahahalagang detalye (ano, sino, saan, kailan, paano,
bakit)
c. Tiyaking alam ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasa.
Maari din namang ayusin ang pagkasunod-sunod gamit ang
nakalarawang balangkas gaya ng nasa ibaba: