Talata C Maraming tradisyon ang mga Pilipino. Isa na rito ay ang kapistahan. Bawat lugar ay may kinikilalang patrona ng mga Katoliko at ito ay kanilang pinaghahandaan. Sama-samang nagtutulungan sa paglilinis ang mga tao sa kanilang lugar. Ang bawat pamilya naman ay nagkakaisa sa pag aayos ng kanilang tahanan. Isa pang tradisyon ay ang pagdiriwang ng Flores de Mayo. Ito ay ang debosyon sa Mahal na Birhen ng mga Katoliko. Ginaganap ang ritwal nito na tinawag na Santacruzan kung saan ay binibigyan ng pagpupugay ang Reyna Elena. Nagkakaroon ng prosisyon ang naggagandahang dilag kasama ang kanilang eskorte palibot ng simbahan at karatig na mga barangay nito. 3. Alin sa mga sumusunod ang paksang pangungusap ng talata? A. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. B. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. C. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. D. Maraming tradisyon ang mga Pilipino. Talata D Gesille G Grande DepEd Borongan City Division Si Eugenio S. Daza ay ipinanganak noong Nobyembre 5, 1870 sa Borongan, Eastern Samar. Siya ay nagmula sa mayamang angkan ng mga Daza. Nakatapos siya ng degree sa edukasyon noong 1888 sa Jesuit Escuela Normal de Maestros sa Maynila. Siya ay kinilala ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) bilang unang maestro sa Samar. Si Daza ay ang area commander ng General Lukban para sa Samar at pangkalahatang commander at tactician ng Battle of Balangiga. Siya ang namuno sa laban na naging dahilan ng pagkatalo ng mga Kastila. Siya ay kinikilalang bayani ng probinsiya ng Silangang Samar dahil sa kaniyang kadakilaan noong kaniyang panahon. 5.Ang akda ay halimbawa ng A. tula 4. Alin sa mga sumusunod ang ipinahahayag sa akda? A. kabuhayan ng isang tao B. buhay ng isang bayani C. kasaysayan ng bansa D. kinabukasan ng lipunan B. dula C. kuwento D. talambuhay Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division​