Gawain 4: Isaayos at Isulat Mo Ako! Panuto: Lagyan ng letrang A-F ayon sa wastong pagkasunod-sunod ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang talata. Isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan.

2. Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao.

3. Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan.

4. Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba't ibang sitwasyon sa buhay.

5. Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo.

6. Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran.​