Tuwing ika-12 ng Hunyo, taon-taon ipinagdiriwang ang kasarinlan ng Pilipinas. May ginaganap Pum pagtitipon sa Luneta Park upang gunitain ang na ito. Pumupunta ang mga kawani at empleyado ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mayroong ding mga kinatawan ng iba't ibang embahada ng ibang bansa na nagbibigay pugay dito. Sama-samang inaawit ang Lupang Hinirang at ang pagtaas ng watawat ng Pilipinas. Bakit kaya natin ito taon-taon ginugunita? Samahan ninyo ako sa pagbabalik-tanaw at pagtatalakay sa mga pangayayari na nagbigay daan sa ating mga Pilipino at bansang Pilipina ng kasarinlan o kalayaan.