Bilugan ang angkop na ingklitik sa loob ng panaklong na bubuo sa diwa ng pangungusap. 1. Kaytagal (muna, naman, man) ng hinihintay nating panauhin. 2. Darating (kayâ, yata, nga) silá? 3. Sigurado (palá, lámang, raw) siláng darating. 4. Handa (rin, na, lang) ang lahat para sa kanila. 5. Masiyahan (sana, kayâ, palá) silá sa gagawin nating pagsalubong. 6. Tuwang-tuwa (pa, yata, nga) ang mga mag-aaral sa ibibigay nilang computer. ne saisd 6- 7. May maganda (pa, sana, muna) siláng mga proyekto sa ating lugar. 8. Nais nilang magtuloy-tuloy (na, ba, kasi) ang unti-unting pagbabago sa búhay natin. 9. Kapansin-pansin (tuloy, kasi, ba) ang pagsisikap nating lahat. 10. Sisimulan (sana, muna, kaya) nila ang pagtulong sa kabataan.