a mga bago kong kaalaman, Nabatid kong AG-UUGNAY SA GRAMATIKA animula Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa wika at gramatika upang makapagsalaysay nang maayos at may pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. PAGBASA NG TEKSTO Basahin at unawai mong mabuti ang nilalaman ng teksto. Maagang naulila sa ama si Ruben dahil sa isang malalang sakit sa baga na hindi kaagad nabigyang- lunas sanhi ng kahirapan. Palibhasa, panganay na anak sa anim na magkakapatid, kay Ruben iniatang ang malaking responsibilidad na iniwan ng ama. Kailangan niyang makahanap ng trabaho kaya tumigil siya sa pag-aaral. Masakit man sa kaniyang kalooban ngunit kailangan niyang gawin upang matulungan ang ina at mga kapatid. Namamahala sa isang malaking konstraksyong gumagawa ng mga gusali ang kaniyang kapitbahay na si Mang Tonyo. Inalok niya si Ruben na magtrabaho. "Nasa wastong gulang na po ako," ang wika ni Ruben. "Kung gayon, tutulungan kita," ang sagot ni Mang Tonyo. "Subalit wala pa po akong karanasan sa nasabing gawain," pagsalungat ni Ruben. Unti-unti natutuhan ni Ruben ang gawain sa paggabay ni Mang Tonyo saka lagi itong inaalalayan. Sa wakas, naging permanente na rin siya sa gawaing pinasukan. PAGSUSURING GRAMATIKAL 1. Suriin mong mabuti ang mga salitang may salungguhit sa tekstong binasa. Paano ito nakatulong sa pagsasalaysay ng mga pangyayari? 2. Itala mo ang mga salitang may salungguhit sa tsart at ipaliwanag kung paano ginamit sa pangungusap. Gamit sa Pangungusap Mga Salita 13 Tandaan mo... Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap. Ito ay maaring salita, parirala, o sugnay. Isa ang pangatnig sa mga uri nito. Nakatutulong nang malaki ang paggamit ng mga transitional pangatnig at devices upang mapagsunod-sunod nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Mga Pangatnig 1. Pantuwang ang Pinag-uugnay magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan. Halimbawa: a. Ang nagpatulo ng dugo at nagpamaga sa labi ay malakas na suntok ng ama sa anak. b. Ang pag-uwi ng lasing pati ang panggugulpi​