Ano ang kahulugan ng saknong na ito mula sa tulang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte
NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy