Malalaman natin sa pagsusulit na ito kung gaano kalawak ang kaalaman mo sa modyul na ito. Sikapin mong masagutan ang lahat ng mga tanong. A. 2. Basahin ang talata at salungguhitan ang pangungusap na nagsasaad ng batayang ideya o kaisipan. 1. Naiiba ang paglangoy ng balyena sa karaniwang isda. Habang lumalangoy, pinagagalaw ng karaniwang isda na magkabilang panig ang buntot. Baba-taas naman ang buntot ng balyena habang lumalangoy. Kung bumibilis ang paglangoy ng balyena, doble rin ang bilis ng baba-taas ng buntot nito sa loob ng isang segundo. Ang palikpik nito ay nakalaan para sa pag-ikot at paninimbang, hindi para sa mabilis na paglangoy. "Whales", Two-Can Pub. Ltd., 1991
May lawak itong 11,795 milya kuwadrado. Ito ay hugis-tatsulok. Halos sinlaki ito ng Maryland ng Estados Unidos. Nasa mga hangganan ito ng Netherlands, Alemanya, Luxembourg, Pransiya, at North Sea. Napalilibutan ng ilang bansa at isang dagat ang Belgium.