wakas-sinasara ang pagtatalakay sa katawan ng sanaysay
Hindi Sang-ayon
DAPAT NA ALISIN ANG K-12 KURIKULUM
Ang K-12 program ay isinabatas noong 2012 ni dating pangulong Aquino. Layunin nito na maging maayos ang sistema ng edukasyon dito sa ating bansa. Ngunit may ibang mamamayan ang hindi sumasang-ayon dito kaya nais nilang alisin ang k-12 kirikulum sa pilipinas. May iba rin naman na sumasang-ayon sa layunin ng batas na ito.
Ang k-12 kurikulum ay nakakatulong sa mga kabataan upang mapantayan ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa asya maging sa buong mundo. Bilang isang mag-aaral ng henerasyon na ito at hindi ako sumasang-ayon na alisin sa ating bansa ang K-12 kurikulum. Nararapat lamang na may k-12 kurikulum sa ating bansa dahil makakatulong ito sa mga studyante na maging bukas ang kanilang isipan sa pagpili ng kurso. Tiyak na makakatulong ang dagdag na dalawang taon sa highschool dahil mas magiging handa at mahahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kursong kanilang napili para sa kolehiyo. Kung tatanggalin man ang K-12 ay hindi pa sapat ang kaalaman namin sa anim na taon sa elementarya at apat na taon sa highschool para dumeretso agad sa kolehiyo, maraming mag-aral ang mas mahihirapan lalo na't galing tayo sa online/modular learning sa nakalipas na dalawang taon.