GABAY NA TANONG Paano nabago ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Filipino kasabay ng pagbabago sa teknolohiya ng kanilang mga kasangkapan? Mula naman sa mga nahukay na buto ng malalaking hayop tulad ng baboy-ramo at usa (na nabuhay may 4000-8000 taon na ang nakali- lipas) sa Guri Cave (Tabon Cave Complex sa Palawan), napatunayan ng mga antropologo na higit na mahusay mangaso ang mga sinaunang tao sa naturang yungib kaysa sa Taong Tabon. Noong Panahong Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato (6000 -500 B.C.E.), nilisan ng mga sinaunang tao ang mga yungib at nagsi- mulang paunlarin ang kanilang pamumuhay ayon sa kanilang panga- ngailangan at hamon ng kapaligiran. Hinasa at pinakinis nila ang dati ay magaspang na mga kasangkapang bato. Nagsimula silang manirahan sa tabi ng mga dagat at ilog. pa Natutuhan din nilang magsaka at mag-alaga ng hayop. Natuto silang gumamit ng irigasyon sa pagsasaka ng palay, taro, nipa, at iba pa. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ang dahilan ng pagiging sedentaryo o permanente ng kanilang paninirahan. Natuto ring gumawa ng mga banga at palayok ang mga sinaunang Filipino sa panahong ito. Ginamit nila itong imbakan ng mga sobrang pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao. Dahil sa pag-unlad ng sinaunang pamayanan ng mga Filipino, nagkaroon sila ng espesyalisasyon sa paggawa, tulad ng pagsasaka, pangingisda, at pangangaso, gayundin ng paghahabi, paggawa ng bang- ka, at pagpapalayok.​