Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin sa bawat pahayag at bigyang -puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno 1. "Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya , ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay". 2. "Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin? 3. "Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?" 4. "Mananalangin ako sa mga diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip". 5. "Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano. "​