1. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa ang wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon? 2. Ano ang kahalagahan ng pagtataglay ng mga birtud sa wastong pamamahala ng emosyon? 3. Magsagawa ng Pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Banta (SWOT Analysis) tungkol sa epekto ng wastong pamamahala ng emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at ng pakikipagkapwa. 4. Narito ang gabay na maaari mong gamitin sa pagsagot sa bawat kolum: a. Kalakasan. Ano ang kabutihang dulot ng bawat pangunahing emosyon kapag ay napamahalaan nang wasto? b. c. Oportunidad. Anong oportunidad ang naghihintay kung mapamahalaan nang wasto ang emosyon at mapagtagumpayan ang mga suliraning dala nang hindi wastong pamamahala ng emosyon? (Paalala: Maaari ding banggitin ang mga birtud sa kolum na ito.) Kahinaan. Anong suliranin ang idudulot ng bawat pangunahing emosyon kung hindi napamahalaan nang wasto? d. Banta. Anong banta ng iyong mga emosyon ang kailangang bigyan ng tuon upang hindi tuluyang makapagdulot nang hindi mabuti sa iyong pakikipagkapwa? 5. Gabay mo ang halimbawa sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong papel.​