Simulan mo sa pagbasa ng kuwento. Luisiana: Little Bagiuo ng Laguna Miyerkoles noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Nakasakay kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang baryo na kung tawagin ay " Little Baguio". Ito ang lugar na kung saan nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito, sila ay nagtatanim ng mga halamang gulay at mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay malayang nakagagala sa paligid. Sariwang isda naman ang nananahan sa malilinis na ilog. Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan ang aming mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na makatapos ng elementarya at makapag -aral sa isang paaralang pansekondarya sa bayan, bagama't mayroon ding mataas na paaralan sa Liitle Baguio. ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba hangin ng pasko. Naaalaala ko pa nang magkakilala kami ni Carl. . . . JJ:Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. ikaw? CARL:Mabuti naman. Ako naman si Carl. JJ:ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig CARL:Little Baguio ang tawag naming lugar na ito. JJ:Lilipat na lamang ako rito sa paaralang Elementarya sa san Buenaventura. CARL:Aba, mabuti kung ganoon. sana maging kamag-aral kita. JJ:Sana nga maraming salamat, Carl.
Ngayon ay unawain mo at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Panuto:Balikan ang kuwentong binasa. itala sa angkop na hanay sa ibaba ang ginamit na mga pangangalan at Panghalip.