Kulang ngunit Di-Hadlang Si RJ ay isang masayahin, magalang at mabait na bata. Nakababasa siya nang may pag-unawa lalo na sa Ingles. Hindi siya gaanong matalino subalit makikita mo sa kanyang mga mata at gawi, ang kanyang interes na matuto sa mga aralin. Ang kanyang upuan ay nasa unahan ng klase para marinig niya nang maayos ang talakayan. nauunawaan, lalapit siya sa kanyang guro upang magtanong. Kaya naman Kapag may araling hindi niya kinagigiliwan siya ng kanyang mga guro. Si RJ ay bukod-tangi sa kanyang mga kaklase dahil ipinanganak siyang walang pandinig. Ang kanyang cochlea sa loob ng tainga ay na siyang dahilan kung bakit hindi siya makarinig. Nang siya ay dalawang hindi gumagana taong gulang pa lamang, sumailalim siya sa isang mapanganib na operasyon sa kaliwang tainga upang ilagay ang isang bagay na siyang tutulong sa kanya upang makarinig. Ang ipanasok sa kanya ay Med-el Cochlear Implant Device at ang tawag naman sa kanya ay cochlear implantee. Kaya naman sa araw-araw na kanyang pagpasok sa paaralan, makikita mo ang device na ito sa kanyang kaliwang tainga dahil ito ang daan upang siya ay makarinig. Kahit nahihirapan siyang iproseso ang kanyang mga naririnig, makikita mo sa kanya ang pagnanais na matuto sa paaralan. Pinatutunayan niya na ang kanyang kakulangan o kapansanan ay hindi magiging hadlang sa pagkamit ng karunungan na siyang magiging daan sa kanyang tagumpay. Sinulat ni Melinda C. Amoyo, Sabang Central E.S., Borongan City Division B. CO_Q1_FILIPINO5 Mod kuwentong binasa. Balikan ang sinalungguhitang salita. Isulat ito sa tamang hanay sa loob ng tsart. Bigyang-pansin ang mga Panghalip Pangngalan Pantangi Pambalana​