sagutang papel. Hanay A 1. Matibay ang walis palibhasa'y nabibigkis. 2. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila. 3. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang tunay na kaibigan. 4. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot. 5. Kung may tiyaga, may nilaga. 6. Sa paghahangad biyaya at kagitna, isang salop ang nawala. 7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. 8. Ang katamaran, kapatid ng kagutoman. 9. Aanhin ang bahay na bato, kung ang nakatira ay kuwago. 10. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim. Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw. Hanay B A. Paninindigan at pagsasakripisyo sa sarili at pamilya ay makatatanggap ng biyaya at magandang kinabukasan. B. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama o pagkakaisa. C. Sasamahan ka sa pait at ligaya. Tutulungan kang malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay. D. Ang paggawa ng Mabuti ay dapat hindi lang malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay. E. Pag-isipang Mabuti ang bawat desisyon sa buhay kung makasasama o makabubuti sa iyo upang hindi magsisi sa huli. F. Ang paghahangad ng sobra-sobra o kasakiman ay naghahatid sa kawalan. G. Ang Diyos ay maawain, mahabagin at mapagmahal. Tiyak na hindi pababayaan ang tao sa mundo ngunit kailangan dinng tao na magsumikap at kumilos upang mabuhay ang sarili. H. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi nagsusumikap sa buhay ay magugutom 1. Ang pagsagot ng po at opo o walang kabastosan ay nagtatanggal ng galit. J. Hindi mahalaga kung ano man ang iyong katayuan sa buhay kung hindi ang pagpapakita ng kagandahang-asal.​