Sa paglipas ng panahon, lalong umalab ang pagnanais ng mga Pilipino na makamit ang kalayaang ninanais. Ang mga kilusang nagnais na makamit ang pagbabago sa mapayapang paraan ay hindi naging matagumpay. Dahil ditto, may mga Pilipinong bumuo ng isang kilusan na ang layunin ay makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pakikipagdigma. Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang Katipunan, isang samahan na naglalayong wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng lakas.​