Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang talata. Sagutin ang tanong sa kuwaderno. Ang ating bansa ay punong puno ng magagandang likha. Ang mga ito ay nagtataglay ng mga elemento ng sining tulad ng linya, hugis, kulay, at may prinsipyong paulit-ulit. Ang likas na kagandahang ito ng kapaligiran ay nagsisilbing inspirasyon ng mga kultural na pamayanan na naninirahan sa Visayas 1. Kung ikaw ang papipiliin ng mga disenyong gawa sa Visayas, ano at alin sa mga nabanggit na disenyo ang gusto mo? Bakit?