1. Paano ginamit ni Juan ang napulot na libro upang mapaniwala ang kaniyang mga magulang na siya ay nag-aaral?

2. Ano ang naisip na solusyon ni Juan upang maipalabas na nahulaan niya kung saan nakalagay ang nawawalang singsing ng reyna?

3. Ano ang pagsubok na ibinigay ng mangangalakal kay Juan? Ano ang ginawa ni Juan upang masagot ang pagsubok?

4. Bakit ninais ng hari na ipakasal si Juan sa prinsesa?

5. Bakit sinira ni Juan Pusong ang mahiwagang aklat? Ano ang kahulugan nito?

6. Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa kuwentong-bayan na iyong binasa, paano mo ito wawakasan? Pangatwiranan ang sagot.

7. Ilahad ang katangian ni Juan na itinampok sa kuwentong-bayan.

8. Batay sa kuwento, ilarawan ang mahihinuha mong mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng mga Tausug. Pangatwiranan ang sagot.

9. Ano-anong mga pangyayari sa kuwento ang maiuugnay mo o masasabi mong nangyari o nangyayari din sa ibang lugar o sa lugar kung saan ka kabilang? Ilarawan ang pag-uugnay.

10. Ang Mindanao bilang Bukal ng Yaman​