Gawain 2: Buhay ko! Babanghayin kol (Nakabubuo ng isang sariling kuwentong makabanghay na na may pagkakasunod-sunod batay sa kanilang karanasan na sumusunod sa elemento) Panuto: Gurupit ng mga larawan mula sa mga pahayagan o magazine na kakatawan sa mga sitwasyon sa iyong sariling karanasan na may kaugnayan sa pandemyang ating kinakaharap at idikit ito sa loob ng mga kahon ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Tandaan: 1. Ikaw na ang bahala kung ilang kahon ang iyong gagamitin. Ang mahalaga ay maayos na mailalatag ang tamang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa iyong kuwento. 2. Hayaang ang larawan ang magkukuwento sa iyong karanasan sa buhay.