IUGNAY MO! Panuto: Tukuyin ang salitang inuulit at iugnay ang kahulugan ng mga salitang inuulit sa kayarian nitong payak batay sa talata. Isulat ang sagot sa papel.

Makakalimutin ang aking lolo kaya't paulit-ulit ang kanyang sinasabi. Mayamaya lang ay may sasabihin na naman siya sa akin. Litong-lito ako dahil halo-halo ang kanyang mga paalala. Ngunit masayang-masaya ako kapag oras na ng istorya. Dadalhin ka niya sa ibang lugar at talagang madarama mo ang kuwento. Mahal na mahal ko ang aking lolo. Siya ay walang kakupas-kupas.​