Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapag-uulat. makapagpunuri at makapagbabahag ng mapanood at nasaksihang pangyayari ayon sa mga tauhan at tagpuan Narito ang ilang mga kaalaman na maaaring makatulong sa iyo para sa araling ito. Ang pagulat ay isang pagpapahayag tungkol sa mga pangyayaring naganap. Maaring ito ay mula sa mapanood, o maranasan. Ito ay maaaring gawin ng pasalita o pasulat Sa pagsasalaysay o pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan, gumamit ng salitang naglalarawan upang maging kawili-wiling paldinggan ang kuwento. Isaayos ang kuwento sa wastong pagkakasunod-sunod. Gamitin ang malaking titik at mga bantas na lailangan. - Upang makapag-ulat makapag bahagi ng pangyayaring nasaksihan, ito ang mga bagay na dapat tandaan: -Maging maingat sa pagsasalaysay ng pangyayari. Dapat na ito ay batay sa totoong pangyayari/mapanood. Ilahad ito ayon sa pagkakasunod -sunod ng pangyayari upang malinaw itong maibahagi Hindi dapat madagdagan mabawasan ang mahahalagang pangyayaring ibinahagi. ng mga salitang karaniwan mga salitang madaling maunawaan Gawing payak o simple ang mga pangungusap. Gumamit ng mga salitang naglalarawan upang mas kawili- wiling pakinggan o basahin ang kwento Dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap Ang pagsusuri ay tumutukoy sa masusing pag-aaral at pag-obserba Tauhan Ito ang tawag sa mga gumaganap sa kuwento. Ang katangian ng alinmang tauhan sa kuwento ay makilala sa pamamagitan ng anyo, kilos, salita at ugali. Mailalarawan ang mga katangiang ito ng tauhan sa tulong ng mga salitang naglalarawan.. Tagpuan- Ang tagpuan ay tumutukoy sa panahon at lugar kung saan nangyari ang kwento. 0 Lubos na nasusuri ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa napanood na pelikula kung uunawain at tatandaan ang mga pangyayari sa pelikulang napanood. Mahalagang matutunan natin ang mga kasanayang ito upang maging responsable sa pagbibigay ng ulat o sa pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G5 15