Pamprosesong Tanong: 1. Suriin ang bawat larawan. Paano nagkakatulad ang mga ito? Ilan dito ang anyong lupa at ilan ang anyong tubig? 2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa mga ito, ano ang iyong pipiliin? Bakit? 3. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba't ibang panig ng Asya? Paano mo ito patutunayan? 4. Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong nanirahan sa mga bansang ito? Pangatuwiranan ang sagot.​