Panuto: llagay ang sarili bilang isang mamamahayag. Gamit ang isang maling pahayag sa ibaba.
Paano mo maitutuwid ang balitang nakasulat?

FAKENEWS
Hindi lang ang pandemya ng COVID-19 ang kalaban natin ngayon-nariyan rin ang tinatawag ng World Health Organization (WHO) na 'infodemic'. Ito ang 'over-abundance of information' o ang labis na pagdami ng kumakalat na impormasyon, tama man o mali. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan tayo na malaman kung alin nga ba ang tama, beripekado, at maaasahang impormasyon na pwede nating gamiting gabay. Bilang mga ina, kailangan nating i-educate ang ating mga sarili tungkol dito para hindi natin mailagay sa kapahamakan ang ating pamilya. Kung mabilis kang magpaniwala sa mga nababasa mo online, delikado ito para sa kaligtasan ng iyong mga anak Bukod pa riyan, maaari kang mag-panic at makaramdam ng anxiety tungkol sa isang bagay na hindi naman pala beripikado at wala naman palang basis.​