Isang araw, abalang-abala ang Pamilya Robino para sa isang masarap na pananghalian. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ng bunsong anak na si Angela mula sa prestihiyosong patimpalak na kaniyang sinalihan.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Mang Kanor sa kaniyang asawa sabay ngiti sa panganay na anak na katuwang sa paghahain sa lamesa. " Opo, tiyak na matutuwa si Angela sa ating ginawa" wika ni Ben na panganay na anak.
"Itay, inay, kuya!", sabik na tumakbo si Angela sa bisig ng mga magulang at kapatid. Bakas sa mukha ni Angela ang kasiyahan na makita at makasama ang pamilya ngunit kalaunan ay bigla na lamang siyang humikbi at napahagulgol.
"Ako ay isang talunan", wika ni Angela na patuloy sa pag-iyak. "Anak, huwag mong sabihin iyan, ang iyong pagsali sa patimpalak ay isang karangalan ng ating pamilya at doon ay panalong-panalo ka na sa amin. Ikaw ang aming karangalan" wika ng kaniyang ina na si Aling Selya.
Masayang pinagsaluhan na lamang ng Pamilyang Robino ang inihandang pananghalian
TANONG: :Ano ang naging suliranin sa kuwento at paano ito nalutas?
:Anong kaugaliang Pilipino ang itinatampok sa kuwento?