Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang sumusunod na diyalogo sa
E
ibaba. Sa iyong sagutang papel, isulat ang iyong tugon.
1. Nakita mong pinagtatawanan at kinukutya ng mga bátang
naglalaro ang isang batang ayta dahil sa maitim na kulay nito. Ano
ang gagawin mo?
2. Hindi gaanong maintindihan ng kaklase mong Igorot ang
panuto na ibinigay ng inyong guro kaya't hindi niya masimulan ang
kaniyang gawain. Ano ang gagawin mo?
3. Hirap sa buhay ang kaibigan mong Agta dahil wala na itong
ama. Tanging ina na lámang niya ang nagtataguyod sa kaniya.
Tuwing recess ay nilagang kamoteng kahoy lámang ang kaniyang
baon. Ano ang gagawin mo?
4. May bago kayong kapitbahay na Ilongot, napansin mo na luma
at puro mantsa lagi ang kaniyang isinusuot. Ano ang gagawin mo?
5. Napansin mo na napakarami mo na palang laruan na hindi
ginagamit samantalang ang mga batang Badjao na malapit sa inyo
ay lata lamang ang
laruan. Ano ang gagawin mo?​