Bago umpisahan ang modyul na ito, gawin muna ang sumusunod na pagsasanay upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Panuto: Sagutin ng T kung tama at M kung mali ang isinasaad, Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Nangangailangan ng malaking puhunan ang pag-aalaga ng hayop. 2. Napapakinabangan ito ng pamilya. 3. Ang pag-aalaga ng hayop ay perwesyo lamang. 4. Napagkukunan ng pagkain ang pag-aalaga ng hayop. 5. Pandagdag sa gastos at budget ng pamilya, 6. Nakapagbibigay saya sa tao ang pag-aalaga ng hayop. 7. Ang pag-aalaga ng manok at pato sa bakuran ay nakatutulong sa pamilya 8. Ang Inahin at Tandang ay isang uri ng pato. 9. Ang isdang Tilapia at Bangus ay mainam alagaan. 10. Pwedeng gawing palamuti sa bahay ang balahibo ng manok.